India, nakapagtala ng 56,000 pang kaso ng COVID-19
By Angellic Jordan August 06, 2020 - 03:59 PM
Nasa 56,282 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (August 6), pumalo na sa 1,964,536 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 595,501 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 46,121 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,328,336 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 40,699 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.