Filipino seafarers na nakaligtas sa pagsabog sa Lebanon binisita ng opisyal ng embahada

Bumisita ang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon sa mga Filipino seafarers na nakaligtas sa pagsabog sa Beirut.

Ang 11 Pinoy ay unang iniulat na nawawala matapos tumalon mula sa kanilang barko nang maganap ang pagsabog.

Sa ibinahaging larawan ng DFA, kasama ni Philippine Embassy in Beirut Chargé d’affaires Ajeet Panemanglor ang mga seafarer.

Pawang nagtamo lamang sila ng minor injuries.

Ayon sa DFA sila ay nasa pangangalaga ng management ng kanilang shipping company.

 

 

Read more...