Global death toll sa COVID-19 mahigit 711,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2020 - 12:14 PM

Sumampa na sa mahigit 711,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 711,220 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 161,601.

Sumampa naman na sa mahigit 97,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang Mexico na ang pangatlo sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga nasawi matapos maungusan ang death toll ng UK.

Habang ang India na ang nasa pang-apat dahil nataasan na nito ang death toll ng Italy.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 97,418
Mexico – 49,698
UK – 46,364
India – 40,739
Italy – 35,181
France – 30,305
Spain – 28,499
Peru – 20,228
Iran – 17,802

Sumampa naman na sa mahigit 12.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6 million pa ang aktibong kaso.

 

TAGS: Brazil, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 death, death toll, department of health, general community quarantine, global deaths, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 death, death toll, department of health, general community quarantine, global deaths, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.