Pagtalakay sa pagbabalik sa death penalty hindi napapanahon ayon kay Rep. Biazon
Tutol si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na talakayin na sa Mababang Kapulungan ang pagbabalik sa death penalty.
Sa pagdinig ng House Committee on Justice sinabi ni Biazon na hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang mga nakabinbing panukala para ibalik ang parusang kamatayan.
Dahil dito, hiniling ni Biazon na huwag muna isama ang inihain niyang House Bill 741 sa mahigit 10 panukalang batas na tatalakayin para sa reimposition ng death penalty.
Gayunman, hindi anya ito nangangahulugan na tinatalikuran na niya ang kanyang panukala.
Hindi aniya dapat dito nakatuon ngayon ang atensyon nilang mga mambabatas lalo pa at problema pa rin ang patuloy na pagsirit na COVID-19 cases sa bansa.
Naniniwala ang kongresista na kaya pa naman maihabol ang pag-apruba sa death penalty bill sa nalalabing dalawang taon sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi pa ni Biazon, “politically divisive” ang usapin sa death penalty kaya mahalaga na paglaanan ito ng sapat na panahon sa wastong timing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.