Paliwanag nito ang task force ay pamumunuan ng Department of Justice at susuportahan ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit at Office of the Executive Secretary, maging ang Presidential Anti-Corruption Commission.
Maari aniya ang task force ang gagamot sa mga katiwalian sa Philhealth.
Diin ni Go kailangan na ng ‘whole government approach’ para matuldukan na ang maling paggamit ng pondo ng Philhealth dahil aniya hindi naman dpaat iasa lang sa pamunuan ng ahensiya ang paglilinis ng kanilang tanggapan.
Puna nito, halos taon taon na lang ay iniimbestigahan ang Philhealth dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at ilang beses na rin nagpalit ng namumuno.
“Pera ng taumbayan ang bumubuhay sa PhilHealth kaya siguraduhin natin na ni piso ay hindi masayang o manakaw. Ibalik natin ito sa tao sa pamamagitan ng mabilis, maayos, at maaasahang serbisyo mula sa isang gobyernong palaging nagmamalasakit sa bawat Pilipino,” sabi pa ni Go.
Dagdag pa niya, pagkatapos ng Philhealth maari din naman imbestigahan ng task force ang iba pang ahensiya na palaging pinagdududahan sa isyu ng korapsyon.