Sen. Bong Go inihirit ang pagbubuo ng Anti-Corruption Task Force

By Jan Escosio August 06, 2020 - 11:25 AM

Inirekomenda kay Pangulong Duterte ni Senator Christopher Go ang pagbuo ng isang task force na tututok sa mga katiwalian sa Philhealth.

Paliwanag nito ang task force ay pamumunuan ng Department of Justice at susuportahan ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit at Office of the Executive Secretary, maging ang Presidential Anti-Corruption Commission.

Maari aniya ang task force ang gagamot sa mga katiwalian sa Philhealth.

Diin ni Go kailangan na ng ‘whole government approach’ para matuldukan na ang maling paggamit ng pondo ng Philhealth dahil aniya hindi naman dpaat iasa lang sa pamunuan ng ahensiya ang paglilinis ng kanilang tanggapan.

Puna nito, halos taon taon na lang ay iniimbestigahan ang Philhealth dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at ilang beses na rin nagpalit ng namumuno.

“Pera ng taumbayan ang bumubuhay sa PhilHealth kaya siguraduhin natin na ni piso ay hindi masayang o manakaw. Ibalik natin ito sa tao sa pamamagitan ng mabilis, maayos, at maaasahang serbisyo mula sa isang gobyernong palaging nagmamalasakit sa bawat Pilipino,” sabi pa ni Go.

Dagdag pa niya, pagkatapos ng Philhealth maari din naman imbestigahan ng task force ang iba pang ahensiya na palaging pinagdududahan sa isyu ng korapsyon.

 

 

TAGS: Anti-Corruption Task Force, DOJ, pacc, senator bong go, Anti-Corruption Task Force, DOJ, pacc, senator bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.