Ayon sa pahayag ng PAWS, nagdulot ang insidente ng matinding stress sa ostrich.
Ito aniya ang dahilan kaya hindi dapat nabibigyan ng permit ang pag-aalaga ng ostrich sa mga residential area.
“Loud sounds and being near roads or running vehicles cause ostriches great stress. For this reason alone, permits should not be granted for the keeping of these animals in residential areas,” ayon sa PAWS.
Sinabi ng PAWS na kita sa video na “confused” at “terrified” ang mga ostrich.
Maari umanong masaktan ito at maari ding makapagdulot ng pinsala sa tao.
Ang mga residente na humuli sa ostrich ay maaring hindi alam na pwede silang masugatan sa kung nakalmot sila nito o kaya ay mabalian kung sila ay nasipa.
Kasabay nito kinondena ng PAWS ang pag-aalaga ng wildlife sa mga residential area.
Nanawagan ang PAWS sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang wildlife permits ng mga residenteng hindi ‘fit’ na makapag-alaga nito.