Lalaki pinatay ang labingapat na miyembro ng pamilya sa Mumbai, India

mumbai indiaPinatay umano ng isang 35-year-old na lalaki ang labingapat na miyembro ng kanyang pamilya kabilang na ang pitong bata gamit ang butcher’s knife sa Mumbai, India.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pag-atake ng suspek matapos magtipun-tipon ang kanyang pamilya sa kanilang bahay sa bayan ng Thane sa Mumbai.

Matapos isakatuparan aniya ang pagpaslang, nagpakamatay din ang suspek.

Ayon kay Gajanan Laxman Kabdule, spokesman ng Thane police, nakilala ang attacker na si Hasnin Anwar Warekar na nabigti matapos gilitan sa leeg ang bawat miyembro ng kanyang pamilya kabilang ang magulang nito.

Nakaligtas naman ang kapatid na babae ni Warekar na ngayon ay dinala na sa isang ospital matapos magsisigaw habang humihingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Sinabi ni Kabdule na hindi pa nila nakakausap ang nag-iisang survivor sa pag-atake na ngayon ay nakararanas pa ng deep trauma.

Read more...