Sa abiso ng Public Information Office ng SJDM, inabisuhan ang mga residente na ‘wag mabahala sa mga balitang isasailalim sa lockdown ang lungsod simula sa Aug. 10.
Ayon sa abiso, walang magaganap na lockdown at sa halip ay maghihigpit lamang sa mga papasok at lalabas sa lungsod.
Partikular na hihigpitan ang mga galing ng Metro Manila dahil karamihan ng mga nagpositibong kaso sa lungsod ay may history ng pagbiyahe o kaya ay nagtatrabaho sa NCR.
Papayagan pa rin na makapag-negosyo at makapagtrabaho ang mga residente.
Kailangan lang tiyakin na laging may dalang mga kaukulang dokumento gaya ng ID.
Maaari pa ring makalabas upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan ang may mga quarantine pass.