Halos 800 Pinoy nakauwi ng bansa kahapon

Mayroong halos 800 pang Pinoy ang dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) 500 Pinoy na pawang mula sa United Arab Emirates ang dumating lulan ng dalawang flights na lumapag sa NAIA at Clark.

Mayroon ding 130 na stranded na mga Pinoy sa Thailand ang dumating sa bansa kahapon.

Habang 160 pang overseas Filipinos ang umuwi din sa bansa mula naman sa Japan.

Lahat ng umuwing Pinoy ay isinailalim sa swab test at idiniretso sa quarantine facilities.

Papayagan silang umuwi sa sandaling lumabas ang negatibong resulta ng kanilang test.

 

 

Read more...