P2.5M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang lalaki sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo August 06, 2020 - 06:01 AM

Arestado ang isang 25 anyos na family driver matapos mahulihan ng ilegal na droga ng mga tauhan ng Makati City Police Station Drugs Enforcement Unit (SDEU).

Ikinasa ang operasyon sa Barangay San Isidro sa naturang lungsod kung saan nadakip ang suspek na si John Edward Sayson, na nasa drug watchlist ng Makati City Police Station.

Nakumpiska kay Sayson ang tinatayang 375.38 grams ng shabu na mayroong DDB value na aabot sa mahigit P2.5 million.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa suspek at nang maiabot ang ilegal na droga ay agad itong dinakip.

Maliban sa ilegal na droga ay nakuha din sa kaniya ang buy bust money, digital na timbangan, cellphone, at iba pang gamit.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (selling) at 11 (possession) ng Article II ng RA 9165.

 

 

 

 

TAGS: buy bust, Inquirer News, Makati City Police, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, Inquirer News, Makati City Police, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.