Bayabas, Surigao del Sur muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 4 kilometers southwest ng bayan ng Bayabas, alas-3:17 madaling araw ng Huwebes (August 6).

May lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 3.1 ang Bayabas, Surigao del Sur kaninang alas-12:27 at ito ay aftershock ng magnitude 5.8 na lindol noong July 28, 2020.

 

 

 

Read more...