Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.1 na lindol
By Mary Rose Cabrales August 06, 2020 - 04:01 AM
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers southeast ng bayan ng Bayabas, alas-12:27 madaling araw ng Huwebes (August 6).
May lalim na 25 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.8 na lindol sa Bayabas, Surigao del Sur noong July 28, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.