Panagbenga Festival 2016, matagumpay na naipagdiwang sa Baguio City

panagbenga
Inquirer file photo

Matagumpay na naidaos ang Panagbenga Festival 2016 sa lalawigan ng Baguio City ngayong araw.

Naging highlight ng naturang pagdiriwang ang Grand Flower Float Parade na dinarayo pa ng mga turista upang masaksihan.

Napuno ng makukulay na bulaklak ang bawat float na pumarada sa mga kalsada ng DILG, Session Road, Harrison Road at Athletic Bowl sa Baguio City.

Bago pa man ang Grand Float Parade, nagkaroon rin ng Grand Street Dancing Parade competition na isa rin sa pinaka-inaabangan aktibidad ng Panagbenga Festival.

Lumibot sa Panagbenga Park, Session Road, Magsaysay Avenue, Harrison Road at Athletic Bowl ang mga kalahok sa naturang kumpetisyon.

Nakapukaw sa mga manonood ang magaganda at makukulay na costumes na ginamit ng mga kalahok sa street dance competition na gawa o may disenyong bulalak.

Ang Panagbenga ay isang Kankanaey term na ang ibig sabihin ay pamumulaklak.

Nagsimula ang naturang annual festival sa Baguio City noong taong 1992.

Read more...