Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 7,355 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (August 5).
Sa nasabing bilang, 7,280 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
7,254 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 2,250 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
4,695 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 309 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 6,311 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES