Naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Camarines Sur – 12
– Naga City – 9
– Albay – 8
– Camarines Norte – 6
– Sorsogon – 3
Ayon sa DOH CHD-Bicol hanggang August 5, umabot na sa 551 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 286 ang aktibong kaso.
Asymptomatic naman ang 68.6 porsyento sa mga pasyente, 27.4 porsyento ang mild, 3.9 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa pito ang gumaling kung kaya 251 na ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol.
Umakyat naman sa 14 ang bilang ng nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES