Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas, higit 1,700 na
Nagpositibo ang 85 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Napaulat ang ilang kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Bacolod City – 33
– Iloilo – 17
– Negros Occidental – 13
– Iloilo City – 10
– Capiz – 5
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 5, umakyat na sa 1,703 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
863 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 90.38 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
60 naman ang gumaling pa kaya 818 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 22 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.