10 sa 11 nawawalang Filipino seafarers, natagpuang ligtas – DFA
Natagpuang ligtas ang 10 sa 11 napaulat na nawawalang Filipino seafarers sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay matapos ang malakas na pagsabog sa bahagi ng Beirut.
Sinabi ng kagawaran na batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Beirut, nagtamo ang 10 Filipino seafarers ng minor injuries.
Ang mga Filipino seafarers ay nasa pamunuan ng Abu Merhi Cruises, shipping company na nag-ooperate ng Orient Queen Cruises, sa bahagi ng Ain el Mraiseh, Beirut.
Nananatili namang nawawala ang isa pang Filipino seafarer.
Sinabi ng DFA na patuloy na titiyakin ng Philippine Embassy sa Beirut na nsas maayos na kondisyon ang seafarers at iba pang Filipino na naospital.
Samantala, iniulat din ng DFA sa publiko na ligtas ang lahat ng Embassy personnel at walang nasira sa pasilidad nito.
Maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Telephones – +961 3859430,
+961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 and +961 70858086
E-mail – [email protected]
Facebook – Philippine Embassy in Lebanon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.