Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (August 5, 3:00 PM) nakapagtala ng 571 na bagong kaso kaya pumalo na sa 8,286 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,452
Laguna – 3,332
Batangas – 1,281
Rizal – 1,785
Quezon – 436
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,188.
Nasa 2,783 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 27 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 995
Batangas – 507
Rizal – 735
Quezon – 213
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng dalawa kaya umabot na sa 315 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 74
Batangas – 53
Rizal – 117
Quezon – 17
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay