Panukalang Bayanihan 2, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sa viva voce voting ay pumasa ang House Bill 6953 na ikalawang stimulus package para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Bayanihan 2 ay magkakaroon ng standby fund na P162 bilyon na may bisa hanggang sa buwan ng December 31, 2020.
Ang nasabing halaga ay ilalaan para sa emergency subsidy sa mga displaced workers, cash-for-work programs, prevention and control para sa COVID-19, support programs para sa mga apektadong sektor at sa agricultural sector.
Nakasaad din dito na binibigyan ng karapatan ang mga government financial institutions na magbigay ng pautang, subsidiya, diskwento at iba pang grants para sa pagbili ng electronic gadgets na kakailanganin ng mga guro at estudyante sa ilalim ng distance at blended learning.
Ang mga estudyante na hindi nakakatanggap ng educational subsidy mula sa gobyerno at nahaharap sa financial crisis at bibigyan ng subsidiya sa ilalim nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.