Pagpapabuwag sa PhilHealth, ibinabala sa Kamara
Nagbabala si House Minority Leader Bienvenido Abante na ipabubuwag ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth isusulong kasunod ng mga akusasyong anomalya.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, sinabi ni Abante na kung hindi mareresoba ang mga isyung kinakaharap ng korporasyon at mas nararapat na lusawin at palitan na lamang pangalan nito.
Iginiit nito na hindi naman niya talagang gustong buwagin ang PhilHealth pero kung hindi naman matitigil ang problema ng katiwalian sa loob ng ahensya ay marapat lamang na alisin na ito.
Nais din ng lider ng minorya na magbitiw ang mga opisyal ng PhilHealth at palitan ng mga maayos magtrabaho.
Kabilang sa mga ipinupukol ngayon sa ahensya ang overpriced IT system, P15 bilyong sinabing napunta sa ‘mafia,’ P154 bilyong losses dahil sa overpayment at iba pang fraud issues.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.