Comelec, magsasagawa ng Final Testing at Sealing ng VCMs sa susunod na buwan

By Mariel Cruz February 28, 2016 - 07:02 PM

comelec vcmMagsasagawa ang Commission on Elections ng final testing at sealing ng Vote Counting Machines o VCMs sa susunod na buwan.

Ipapadala ang mga ito sa tatlumpung Philippine posts sa ibang bansa kung saan maaaring bumoto ang mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Batay sa Comelec Resolution No. 10051 dapat isinasagawa ang final testing at sealing ng mga VCM tatlong linggo bago ang pagsisimula ng voting period ng mga OFWs sa April 9.

Sa panahon ng testing at sealing, magkakaroon ng actual casting ng mga boto gamit ang sampung FTS-ballots na ipapasok sa mga VCM.

Dapat ay makalikha ang mga makina ng walong kopya ng resulta gamit ang thermal paper matapos ang pagboto.

Alinsunod sa Comelec Minute Resolution No. 15-0798, ipapadala ang mga VCM sa mga sumusunod na Philippine posts:

Agana, Chicago, Honolulu, Los Angeles, New York, Ottawa, San Francisco, Toronto, Vancouver, Washington, London, Madrid, Milan, Rome, Hong Kong, Kuala Lumpur, Osaka, Seoul, Singapore, Tokyo, Abu Dhabi, Beirut, Doha, Dubai, Jeddah, Kuwait, Manama, Al Khobar, Riyadh, at Tel Aviv.

Samantala, sinabi ni Comelec commissioner Rowena Guanzon sa kanyang twitter account na aabot na sa 9.9 million na balota ang kanilang naiimprenta.

TAGS: final testing and sealing, VCM, final testing and sealing, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.