12 Filipino, nawawala matapos ang pagsabog sa Lebanon
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maliban sa dalawang nasawing Filipino, may walo pang nasugatan bunsod ng pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa kagawaran, iniulat ng Philippine Embassy sa Beirut na isa sa mga sugatan ay kritikal ngunit nasa stable condition.
Ang iba naman ay nagtamo ng minor injuries dahil sa malakas na pagsabog.
Sinabi pa ng DFA na dalawa sa mga sugatan ay kabilang sa grupo ng 13 Filipino seafarers na sakay ng nakadaong na barko 400 metro ang layo mula sa pinangyarihan ng pagsabog.
Ang 11 iba pa ay napaulat na nawawala.
Maliban dito, isa pang Filipino Household Service Worker ang napaulat na nawawala.
Dahil dito, umabot na sa 12 ang Pinoy na nawawala sa Beirut bunsod ng pagsabog.
Siniguro naman ng kagawaran sa publiko at mga Filipino sa Beirut na bibigyan ng tulong ang mga biktima.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Beirut sa mga otoridad sa Lebanon para mahanap ang mga nawawalang Filipino.
Maaaring makipag-uganayn sa Embahada ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Telephones – +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060, and +961 70858086
E-mail – [email protected]
Facebook – Philippine Embassy in Lebanon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.