Ayon sa report na inilabas ng PNP, simula ng mag-umpisa ang election period noong January 10 hanggang ngayong araw, pumalo na sa 1,561 ang lumabag sa gun ban.
Kabilang sa mga nahuli ay labing limang government officials, 11 na pulis, anim na sundalo, 20 security guards, isang fireman, dalawang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Units at limang miyembro ng iba pang law enforcement agencies.
Kaugnay nito, nasa 1,173 firearms at 14,818 deadly weapons naman ang nakumpiska ng pulisya sa isinagawang checkpoints.
Dahil dito, siniguro ng PNP na mas paiigtingin nila ang kanilang mga checkpoints at kampanya sa loose firearms habang papalapit ang eleksyon sa Mayo.