530 PCG personnel, gumaling na sa COVID-19

Umabot na sa 530 ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling o naka-recover sa COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng PCG Medical Service hanggang August 4, 2020.

Nasa 676 naman ang bilang ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa nasabing bilang, 146 ang aktibo pang kaso.

Sinabi naman ng PCG Medical Service na karamihan sa mga aktibong kaso ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit.

Tiniyak ng PCG na natututukan at naaasistihan ang mga apektadong tauhan ng kanilang hanay.

Read more...