P4-M halaga ng marijuana sinira sa Toledo City, Cebu

Sinira na mga otoridad ang P4,060,000 halaga ng marijuana plants sa Toledo City, Cebu Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA RO) 7, isinagawa ang marijuana eradication sa plantation site sa bahagi ng Sitio Buyo, Barangay Capitan Claudio bandang 11:00 ng umaga.

Nakuha sa operasyon ang humigit-kumulang 10,150 fully grown marijuana plants.

Nakatakas naman ang dalawang target sa operasyon na sina Jun Alesir at Gabriel Alesir nang matunugan ang pagdating ng mga otoridad.

Kasong paglabag sa Section 16, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa dalawang suspek.

Read more...