Pelikulang “Fifty Shades of Grey”, itinanghal bilang Worst Film of 2015 sa 36th Razzie Awards

50 shades
Inquirer file photo

Kinilala bilang Worst Film of 2015 ang hollywood erotic romance film na “Fifty Shades of Grey” sa 36th Razzie Awards.

Ang pelikulang “Fifty Shades of Grey” na best selling novel ni E.L James ay pinagbibidahan ng Hollywood stars na sina Jamie Dornan at Dakota Johnson.

Dahil rin sa naturang pelikula, binansagan naman bilang worst actor at actress sina Jamie at Dakota.

Ipinalabas noong nakaraang taon, kumita ng aabot sa 571 million dollars worldwide ang “Fifty Shades of Grey” na kinilala rin bilang worst screenplay kapantay ng sci-fi adventure film na “Fantastic Four”.

Samantala, kinilala naman bilang worst remake ang “Fantastic Four” habang nakuha ng director ng pelikula na si Josh Trank ang worst director prize.

Kahit sino ay maaaring mag-sign up upang makaboto sa Razzie Awards ngunit kailangan magbayad ng 40 dollars para sa membership fee.

Read more...