223 pang COVID-19 cases, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa ng 223 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 8:30, Martes ng gabi (August 4), umakyat na sa kabuuang 2,776 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,634 ang aktibong kaso.

51 naman aniya ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 1,044 na ang total recoveries sa lungsod habang 98 ang pumanaw.

Paalala naman ni Mayor Toby Tiangco, “Sa bawat pagsagawa natin ng safety measures, mas lumalaki ang tyansa na di tayo mahawa at mananatiling ligtas sa COVID-19.”

Read more...