Global death toll sa COVID-19 mahigit 700,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2020 - 12:56 PM

Sumampa na sa mahigit 700,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 704,370 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 160,290.

Sumampa naman na sa mahigit 96,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang Mexico na ang pangatlo sa mga bansa na may pinakamaraming bilang ng mga nasawi matapos maungusan ang death toll ng UK.

Habang ang India na ang nasa pang-apat dahil nataasan na nito ang death toll ng Italy.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 96,096
Mexico – 48,869
UK – 46,299
India – 39,820
Italy – 35,171
France – 30,296
Spain – 28,498
Peru – 20,007
Iran – 17,617

Sumampa naman na sa mahigit 11.9 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

TAGS: Brazil, covid death, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid death, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.