outbrain

Dating NPA member itinumba sa harap ng pamilya sa Sorsogon

By Jan Escosio August 05, 2020 - 12:08 PM

Nasindak ang mga miyembro ng isang pamilya sa Sorsogon City nang patayin sa kanilang harapan ang kanilang padre de pamilya Martes (Aug. 5) ng gabi.

Nabatid na dating miyembro ng New People’s Army ang 49-anyos na biktima na si Alejandro Claveria, ng Barangay San Jose Maricrum, Bacon District, sa lungsod.

Base sa ulat, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang buong pamilya bago mag-hatinggabi nang may sumigaw sa labas ng kanilang bahay.

Hindi pa man nakakalabas sa pintuan ang biktima ay pinagbabaril na ito bago mabilis na tumakas ang dalawang hindi nakilalang salarin.

Agad namatay si Claveria dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa kung may kinalaman sa kanyang dating pagiging rebelde ang pagpatay sa kanya o may iba pang motibo.

 

 

TAGS: ambush, Inquirer News, News in the Philippines, npa member, Radyo Inquirer, sorsogon city, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Inquirer News, News in the Philippines, npa member, Radyo Inquirer, sorsogon city, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.