Muling pag-aaral sa Philippine Energy Plan isinusulong sa Kamara

Dahil sa nakaambang power crisis, isinusulong ng tinaguriang “Power Bloc” sa Kamara ang pagkakaroon ng pag-aaral Philippine Energy Plan.

Base sa House Bill 1063 ng grupo nais ng mga ito magsagawa ng ang Kamara ng pagdinig upang makamit ang independent and sustainable energy supply dahil malaking factor ang energy security ng isang nasyon sa kung paano ang ibang mga bansa magpatupad ng foreign, economic at international security policy.

Isa na nais malaman ng Power Bloc kung maari pang palawigin ang Malampaya power gas-to-power project na matatagpuan sa karagatang sakop ng Palawan na may buhay na lamang na hanggang 2024.

Ayon sa isa sa may-akda ng panukala na si PHILRECA Rep. Presley De Jesus, may malaking papel na ginagampanan ang Malampaya sa energy security ng bansa dahil sa “very affordable at dependable” ang natural gas na nagmumula rito.

Sabi naman ni APEC Rep. Sergio Dagooc na may-akda rin ng panukala, crucial ang energy security upang maprotektahan ang soberenya ng bansa.

Giit ni Dagooc, magmula ng maupo si Energy Secretary Alfonso Cusi ay wala pang nag-operate na bagong planta ng kuryente.

Babala naman ni Ako Padayon Rep. Adriano Ebcas, na may-akda rin ng panukala na kung hindi kaagad aaksyon ang pamahalaan sa mataas na demands ng kuryente ay magkakaroon ng mga power outages na maaring makaapekto sa kabuhayan, edukasyon at sa national security ng bansa.

Paliwanag ng mga nasabing mambabatas, ang patuloy na operasyon ng Malampaya ay kritikal sa pagbibigay ng sustainable at uninterrupted supply of energy.

Napapailawan ng Malampaya sa ngayon ang 30 porsyento ng bansa partikular na sa Luzon.

 

 

Read more...