Burj Khalifa sa Dubai nakiramay sa mga nasawi at nasugatan sa pagsabog sa Lebanon

Nakiramay ang world’s tallest skyscraper na Burj Khalifa sa mga nasawi at nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa Lebanon.

Ang ilaw sa gusali ay saglit na nagpakita ng watawat ng Lebanon.

Sa Instagram Account ng Burj Khalifa ibinahagi ang larawan na mayroong caption ng pakikiramay.

“Burj Khalifa lights up in solidarity with uor brothers and sisters in Lebanon” ayon sa caption.

Umabot sa 73 ang nasawi sa dalawang magkasunod na pagsabog habang mahigit 3,500 naman ang nasugatan.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang Pinoy.

 

 

Read more...