CHR kay PACC Commissioner Belgica: Mali ang pagpatay

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pahayag ni Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na “dapat pinapatay ang mga corrupt”.

Sa pahayag na inilabas ng CHR, sinabi nitong hindi katanggap-tanggap ang pahayag na ito mula sa isang opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa CHR, bagaman malaking isyu ang korupsyon at kahirapan sa bansa, kinakailangang mapanagot ang mga may sala ng ayon sa tamang proseso at hindi ilalagay ang batas sa kamay ng sinuma.

Sa halip na “shortcut sa hustisya” sinabi ng CHR na mas dapat pagtuunan ng pansin ang reporma sa justice mechanisms ng bansa at siguruhing gumagana ito at walang kinikilingan.

 

 

Read more...