Ang lindol ay naitala ng Phivolcs sa layong 49 kilometers northwest ng bayan ng Patnongon alas 8:28 ng umaga ngayong Miyerkules (Aug. 5).
Ayon sa Phivolcs 4 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ng sumusunod na intensities:
Intensity III – Culasi, Bulasong, Barbasa, and Patnongon, Antique; Libacao, at Malinao, Aklan
Intensity II – Sebaste, San Jose de Buenavista, at Belison, Antique; Madalag, Kalibo, at Tangalan, Aklan
Naitala rin ang instrumental intensities sa sumusunod na mga lugar:
Intensity III – Malinao, Aklan
Intensity II – San Jose de Buenavista, Sibalom, Sebaste, at Valderrama, Antique
Intensity I – Malay, Aklan; Jamindan, Capiz
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.