2 Pinoy nasawi, 6 pa sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2020 - 08:18 AM

Dalawang Pinoy ang nasawi habang anim pa ang sugatan sa pagsabog na naganap sa pantalan sa Beirut, Lebanon.

Ang mga nasawi at nasugatang Pinoy ay pawang nasa bahay ng kanilang mga amo nang mangyari ang pagsabog.

Ayon sa DFA sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas doon sa Filipino Community.

Ito ay para matukoy ang kalagayan ng lahat ng Pinoy sa Lebanon.

Tinatayang nasa 33,000 pa ang Pinoy sa nasabing bansa at malaking bilang nito ay nasa Beirut.

Sa datos ng mga opisyal sa Lebanon, sumampa na sa mahigit 70 ang nasawi sa pagsabog at mahigt 3,500 ang nasugatan.

 

 

TAGS: 2 Filipino dead, beirut, beirut explosion, Inquirer News, Lebanon, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 Filipino dead, beirut, beirut explosion, Inquirer News, Lebanon, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.