Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 16,700 na

Sumampa na sa mahigit 16,700 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 128 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 16,785 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 5,723 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 906 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 164 dahilan para umabot na sa 10,156 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,123 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 1,919
– Talisay City – 790
– Minglanilla – 411
– Consolacion – 411
Mandaue City – 2,015
Lapu-Lapu City – 1,907
Negros Oriental – 109
Bohol – 99
Siquijor – 1

Read more...