Sabangan, Mountain Province niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
(UPDATE) Itinaas sa magnitude 4.5 ang unang naitalang magnitude 4.1 na lindol sa Mountain Province.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 9 kilometers southeast ng bayan ng Sabangan, alas-6:58 umaga ng Miyerkules (August 5).
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – Sabangan, Mountain Province
Intensity IV – Bauko, Sagada, and Besao, Mountain Province; Hungduan, Ifugao; Mankayan, Benguet
Intensity III – Banaue, Ifugao
Intensity II – Baguio City; Tublay, Benguet
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.