Water level ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 181.97 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (August 5) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 182.04 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.13 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.01 meters habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.60 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.63 meters.

Samantala, nadagdagan ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat dams, nabawasan naman ang San Roque dam habang nanatili sa 287.47 meters ang antas ng tubig ng Caliraya dam.

 

 

 

Read more...