16 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City
Labinganim ang dagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Sa inilabas na datos ng Baguio City Public Information Office, umabot na sa 144 ang total number ng confirmed cases sa Baguio.
Sa nasabing bilang 79 ang aktibong kaso, 62 ang gumaling na at 3 ang pumanaw.
Ang mga naitalang bagong kaso kahapon ay mula sa sumusunod na mga lugar:
Upper QM
Balsigan
San Luis
Sto. Niño
City Camp Proper
La Trinidad
Kias
Irisan
San Luis Village
Camp 7
Pacdal
Campo Filipino
Teacher’s Village
Dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 nanawagan si Baguio City Mayor Benjie Magalong na iwasan ang pagbiyahe sa susunod na dalawang linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.