3 miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa mga pulis sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2020 - 06:32 AM

Tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa mga otoridad sa Laguna.

Higit-kumulang sa 40 na miyembro ng CPP/NPA/NDF ang naka-engkwentro ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) habang nagsasagawa sila ng operasyon na bahagi ng “Oplan Dirty Dozen” sa Sitio Balatkahoy, Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna.

Tumagal ng halos isang oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ni Dioscorro Cello alyas Ka Termo na Platoon Leader ng Platun Laguna-Quezon Melito Glor Command.

Si Cello ay mayroong patong sa ulo na P3.8 Million.

Ang dalawa pang nasawi ay kinilalang sina Ka Omar/Efren at Ka Danny/Mar/Rey.

Nakuha sa lugar ang samu’t saring mga armas at bala.

May nakuha ring isang improvised explosive device at blasting caps.

 

 

TAGS: CPP NPA NDF, Inquirer News, News in the Philippines, NPA, Oplan Dirty Dozen, Philippine National Police, platoon leader, Platun Laguna-Quezon Melito Glor Command, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, CPP NPA NDF, Inquirer News, News in the Philippines, NPA, Oplan Dirty Dozen, Philippine National Police, platoon leader, Platun Laguna-Quezon Melito Glor Command, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.