Liloy, Zamboanga del Norte niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 56 kilometers northwest ng bayan ng Liloy, alas-5:59 madaling araw ng Miyerkules (August 5).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...