Malaking bahagi ng bansa makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa LPA

Maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang iiral ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang binabantayang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Malungon, Sarangani.

Dahil sa trough ng LPA, ang Bicol Region, Visayas at Mindanao, maging ang lalawigan ng Quezon at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, maliit pa rin ang tsansa na magiging ganap na bagyo ang LPA.

 

 

Read more...