Mahigit 70 ang patay, mahigit 3,500 sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2020 - 05:47 AM

Umabot na sa mahigit 70 ang naitalang nasawi habang mahigit 3,500 ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon.

Sa ulat ng Associated Press napuno ang mga ospital sa Beirut sa dami ng mga sugatang dinala doon na karamihan ay nangangailangang masalinan ng dugo.

Ayon sa General Security ng Lebanon ang pagsabog ay mula sa highly explosive material na kinumpiska mula sa isang barko sa pantalan sa Beirut.

Sinabi naman ng Interior Minister ng Lebanon na ammonium nitrate na nakaimbak sa isang bodega sa pantalan ang pinagmulan ng malakas na pagsabog.

Sa kaniyang Tweet, dismayado si Lebanese President Michel Aoun sa nangyari.

Aniya nagkaroon ng kapabayaan sa storage ng 2,750 tonnes ng ammonium nitrate na anim na taon nang nakaimbak sa bodega.

 

 

TAGS: beirut, Explosion, Inquirer News, Lebanon, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, beirut, Explosion, Inquirer News, Lebanon, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.