Tarlac, Pampanga at Bulacan makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras

Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central Luzon.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:17 ng umaga ngayong Miyerkules (August) katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Pampanga at Bulacan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Nueva Ecija.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...