Leyte, Leyte niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 1 kilometer southeast ng bayan ng Leyte, ala-1:10 madaling araw ng Miyerkules (August 5).

May lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sunusunod na instrumental intensities:
Intensity IV – Naval, Biliran
Intensity II – City of Ormoc, Leyte
Intensity I – Palo, Leyte

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

Read more...