Sinampahan ng PNP – CIDG ng kasong syndicated estafa ang anim na opisyal at empleyado ng isang kumpaniya dahil sa diumano’y investment scam.
Isinampa ang kaso laban kina Ethan Eleazar, Carolyn Ajuinde, Norbert Escalante, Masayuki Kimura, Vaughn Ponteverde at Dante Evasco Jr., ng Super Livestock Inc., sa Universal Tower, Quezon City.
Base sa salaysay ng tatlong nagreklamo na sina Reynaldo Soriano, Eric Capulong at John Balaguer, nakita nila ang advertisement sa Facebook, na gumamit pa ng mga kilalang personalidad.
Bunga nito, nahikayat sila na mamuhunan ng kabuuang P370,000 sa ‘Double Your Money Investment Scheme, kung saan ang pera nila ay ipambibili ng mga sisiw.
Nangako din umano ang mga suspek na 88 porsyento nang ipinuhunan ay maibabalik sa loob ng 60 araw.
Ngunit sa kabila nang pakikipag-usap ng mga nagreklamo, hindi naibalik sa kanila ang kanilang mga puhunan kayat nagreklamo na sila.
Paalala naman ng PNP-CIDG hindi dapat agad magtiwala sa mga ‘investment scheme’ sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.