Sabi ni Yap, “Yung mga medical frontliners natin ang ginagamit nyo ngayon para magalit ang tao sa pamahalaan kahit na napakaraming hakbang na ginagawa para sa kanila.”
Dagdag nito, “Nakakadismaya dahil maraming gumagamit at nagpapagamit sa mga taong gustong pabagsakin ang gobyerno para sa pansariling interest lang nila”, pahayag ni Yap.
Iginiit din ni Yap na COVID-19 ang kalaban at hindi ang gobyerno.
Tanong naman ng mambabats sa kritiko ng pamahalaan kung magtatagumpay ang mga ito sa nais na pagpapabagsak sa administrasyon ay kung mawawala ang COVID-19.
Dapat aniyang ginagamit ang impluwensya upang ipanawagan ang pananatili sa bahay at para sa oposisyon ang kailangan aniya ay magkaisa para sa paglaban sa COVID-19.
“Kung artista ka, bakit hindi mo gamitin ang impluwensya mo para manawagan na manatiling nasa bahay ang ating mga kababayan? Kung ikaw ay nasa oposisyon, malayo pa ang halalan, bakit hindi muna tayo magkaisa”, saad ni Yap.
Tinagtrabaho na rin aniya ng Kongreso ang Bayanihan to Recover II na tutulong sa publiko upang makarecover sa epekto ng COVID-19 pandemic.