Mga frontliner, ginagamit para pabagsakin ang gobyerno – Rep. Eric Yap

By Erwin Aguilon August 04, 2020 - 06:15 PM

Dismayado si House Committee on Appropriations Chair at ACT-CIS Rep. Eric Yap na may mga gumagamit sa medical frontliners upang pabagsakin ang gobyerno.

Sabi ni Yap, “Yung mga medical frontliners natin ang ginagamit nyo ngayon para magalit ang tao sa pamahalaan kahit na napakaraming hakbang na ginagawa para sa kanila.”

Dagdag nito, “Nakakadismaya dahil maraming gumagamit at nagpapagamit sa mga taong gustong pabagsakin ang gobyerno para sa pansariling interest lang nila”, pahayag ni Yap.

Iginiit din ni Yap na COVID-19 ang kalaban at hindi ang gobyerno.

Tanong naman ng mambabats sa kritiko ng pamahalaan kung magtatagumpay ang mga ito sa nais na pagpapabagsak sa administrasyon ay kung mawawala ang COVID-19.

Dapat aniyang ginagamit ang impluwensya upang ipanawagan ang pananatili sa bahay at para sa oposisyon ang kailangan aniya ay magkaisa para sa paglaban sa COVID-19.

“Kung artista ka, bakit hindi mo gamitin ang impluwensya mo para manawagan na manatiling nasa bahay ang ating mga kababayan? Kung ikaw ay nasa oposisyon, malayo pa ang halalan, bakit hindi muna tayo magkaisa”, saad ni Yap.

Tinagtrabaho na rin aniya ng Kongreso ang Bayanihan to Recover II na tutulong sa publiko upang makarecover sa epekto ng COVID-19 pandemic.

TAGS: COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, Inquirer News, medical frontliners, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, Inquirer News, medical frontliners, Radyo Inquirer news, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.