Isa pang empleyado ng Kamara, nagpositibo sa COVID-19

Inquirer file photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa mga empleyado ng Kamara.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales, pinakabagong rito ang isang kawani mula sa Engineering Department.

Nasuri aniya ito sa pamamagitan ng rapid test noong July 27 bilang bahagi ng SONA protocol at nagpositibo at sa ginawang RT-PCR test nakumpirmang mayroon itong COVID-19.

Bago ang July 27, pumasok sa trabaho ang kawani noong July 20, 21, at 26.

Dahil dito, umakyat na sa 34 ang kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sabi ni Montales, nagsasagawa na sila ng contract tracing sa mga nakasalamuha nito.

Read more...