Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (August 4, 3:00 PM) nakapagtala ng 67 na bagong kaso kaya pumalo na sa 7,715 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 1,452
Laguna – 2,866
Batangas – 1,243
Rizal – 1,731
Quezon – 423
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 4,646.
Nasa 2,756 na ang bilang ng mga naka-recover kung saan nakapagtala ng 15 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 985
Batangas – 490
Rizal – 735
Quezon – 213
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng isa kaya umabot na sa 313 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 54
Laguna – 74
Batangas – 53
Rizal – 115
Quezon – 17
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay